Pamahalaan, minomonitor na ang sitwasyon sa ilang bahagi ng Mindanao na apektado ng haze mula sa forest fire sa Indonesia

by Radyo La Verdad | October 26, 2015 (Monday) | 1525

photo credit: Mary Jane Guisihan
photo credit: Mary Jane Guisihan

Tiniyak ng Pamahalaan na minomomitor nito ang sitwasyon sa mga lugar sa Mindanao na naabot na ng haze o usok na mula sa forest fire sa Kalimantan, Indonesia.

Ang naturang haze ay nauna nang naka-apekto sa Brunei, Malaysia, Singapore at Thailand.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr., nagtutulungan na ang Department of Environment and Natural Resources, Deprtment of Science and Technology, Department of Health at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council upang bantayan ang posibleng pangmatagalang epekto ng haze sa mga residente sa mga apektadong lugar kabilang dito ang Davao city, Butuan at Cotabato.

Nagpaalala naman ang Deprtment of Health sa mga residenteng nasa mga apektadong lugar, lalo na sa mayroong respiratory problems tulad ng hika, na magsuot ng mask bilang pananggalang.

Tags: , ,