Pamahalaan, desidido ang na ituloy ang pagbili ng mga bagong helicopter

by Radyo La Verdad | February 9, 2018 (Friday) | 4921

Kapwa iginiit ng Malacañang at ng Department of National Defense na pangunahing paggagamitan ng 16 na bagong Bell 4-1-2 helicopters na target nitong i-procure mula sa Canada ay gagamitin para sa Humanitarian Assistance And Disaster Response.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang naturang Bell helicopters ay hindi attack o close support aircraft bagaman posibleng magamit bilang suporta sa internal security operations.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na mapaulat na ni-review ng Canadian government ang nasa higit 230 million US dollars agreement na kapipirma lang para magbenta sa Pilipinas ng naturang helicopters.

Dahil ito sa concern na posibleng gamitin umano ng Pilipinas ang mga air craft sa pagtugis sa mga rebeldeng New People’s Army.

Ayon sa Malacañang, kung di matutuloy ang kasunduan, sa ibang bansa na lang bibili ng helicopter ang bansa.

Sinang-ayunan naman ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,