Pamahalaan, binigyan na rin ng permiso ang ibang bansa na magsaliksik sa Benham Rise

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 5505

United States of America, Japan at South Korea, ito ang iba pang bansa na pinahintulutan na rin ng pamahalaan na magsagawa ng Marine Research sa Philippine Rise o Benham Rise.

Humingi ng paumanhin si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque dahil hindi niya naiulat na bukod sa China, may ilan na palang naunang magsagawa ng pagsasaliksik sa lugar.

Binigyang-diin din ng opisyal na di na kinakailangang kumuha pa ng permit sa pamahalaan ang sinomang Pilipino para magsagawa ng scientific investigation sa Benham Rise dahil may sovereign rights ang bansa sa naturang lugar.

Ayon naman kay Maritime Law Expert UP Professor Jay Batongbacal, pagdating sa isyu ng pagbibigay pahintulot sa ibang bansa tulad ng China na magsagawa ng Marine Research, dapat ay maging transparent ang pamahalaan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,