Pamahalaan, balak na gawing permanente ang People Power Experiential Museum

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 3126

COLOMA
Bumisita si Pangulong Benigno Aquino III sa People Power Experiential Museum sa Kampo Aguinaldo kaninang umaga.

Kasama nito ang ilang cabinet secretaries at ang pinakamataas na namumuno sa AFP at PNP. Kabilang rin sa dumating si Commissioner Dingdong Dantes.

Samantala, balak gawing permanente ng pamahalaan ang People Power Experiential Museum.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, hinahanapan ng EDSA People Power Commission ng permanenteng lugar na maaaring pagtayuan ng isang experiential museum.

Aniya noong nakaraang linggo ay nagsabi si Vice Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na handa sila ni Mayor Herbert Bautista na tumulong upang magkaroon ng isang permanenteng tahanan ang Experiential Museum, kaya’t paguusapan ito ng EDSA People Power Commission at Quezon City Government.

Para kay Coloma binubuhay muli ng museum na ito ang diwa ng EDSA at ang diwa ng pagmamahal sa bayan.

Aniya ang mahahalagang yugto ng kasaysayang pinagdaanan ng sambayanang Pilipino ay matutunghayan, mararanasan ng lahat ng mga pupunta dito.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: ,