Palestine, patuloy ang pag-atake sa Israel

by Radyo La Verdad | October 23, 2015 (Friday) | 2058
A Palestinian protester rolls a tyre to be burnt during clashes with Israeli troops near the Jewish settlement of Bet El, near the West Bank city of Ramallah, October 20, 2015.  REUTERS/Ammar Awad
A Palestinian protester rolls a tyre to be burnt during clashes with Israeli troops near the Jewish settlement of Bet El, near the West Bank city of Ramallah, October 20, 2015.
REUTERS/Ammar Awad

Naging usapin sa pagitan ng US Secretary of State na si John Kerry at Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pamamaril ng isang Israeli police sa dalawang Palestino na nanakit ng isang residente mula sa isang bayan malapit sa Jerusalem noong Huwebes.

Ayon sa isang police spokeswoman, matitinding galos ang natamo ng dalawang Palestino dahil sa insidente pati na rin ang lalaking kanilang sinugod sa isang bus stop sa bayan ng Beit Shemesh. Ang tatlong biktima ay agad na dinala sa ospital.

Samantala, siyam na Israeli ang patay dahil sa pananaksak, pamamaril at pananagasa ng mga Palestino magmula pa noong Oktubre at bilang ganti, apatnaput walo naming Palestino ang napatay ng Israeli security forces.

Isa sa mga dahilan ng kaguluhan ay ang galit ng mga Palestino dahil sa pagpasok ng mga Hudyo sa al-Aqsa mosque compound sa bayan ng Jerusalem, na itinuturing nilang pinakabanal na lugar sa labas ng Saudi Arabia na kinalalagyan rin ng dalawang sinaunang temple ng mga Hudyo.

(Photo by REUTERS/AMMAR AWAD)

Tags: , ,