Palawan LGU, nahihirapan magpadala ng ayuda sa lugar na apektado ng diarrhea

by Radyo La Verdad | February 23, 2018 (Friday) | 2028

Labindalawa na ang napaulat na namatay sa Balabac, Palawan sanhi ng diarrhea.

Ayon kay Atty. Gil Acosta Jr, Provincial Information Officer ng lalawigan ng Palawan,  posibleng kontaminadong tubig ang sanhi ng pagkakasakit  ng mga tao partikular sa isla ng Mangsee.

Kaunti na nga raw ang source ng malinis na tubig, tinamaan pa noon ng sunod-sunod na bagyo gaya ni Agaton, Vinta at Urduja. Kaya naman puspusan ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapadalhan ng tulong ang mga apektadong residente

Gayunman, nagkakaproblema aniya sila sa pagbibiyahe ng tulong dahil sa sama ng panahon. Aabutin ng mahigit tatlong araw ang paglalayag ng barkong ginagamit ng Provincial Government para makapagpadala ng tulong sa bayan ng Balabac.

Sa tala ng Provincial Health Office, nasa 284 na ang nagkakasakit ng diarrhea sa munisipyo ng Balabac at labing dalawa na dito ang namamatay.

Sa ngayon ay hindi pa nagdedeklara ng outbreak ang lokal na pamahalaan dahil kontrolado pa umano ang naturang sakit sa lugar.

 

( Andy Pagayona / UNTV Correspondent )

Tags: , ,