Palarong Pambansa, kasado na sa May 3 sa Davao del Norte

by dennis | April 29, 2015 (Wednesday) | 4038

2015-palaro-banner

Kasado na ang Palarong Pambansa na gaganapin sa lalawigan ng Davao Del Norte sa darating na ikatlo ng Mayo, 2015.

Ayon kay Deped assistant secretary at secretary general ng Palarong Pambansa Tonisito Umali,

tinatayang aabot sa 10,000 hanggang 12,000 atleta at coaches mula sa iba’t ibang public school sa bansa ang magtatagisan ng galing sa iba’t ibang events gaya ng track and field, swimming, basketball at iba pang individual at team sports.

Dagdag pa ni Umali na pinaghandaan na rin ng husto ng DepEd ang mainit na temperatura sa lalawigan sa pakikipagkoordinasyon nito sa PAGASA-DOST at ipatutupad anya nila ang “no outdoor games policy” sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nakahanda na rin ang mga ambulansya at medical staff para umantabay sa anumang medical emergency sa Palarong Pambansa.

Aabot sa P200 million ang gagastusin ng DepEd sa naturang event, hindi pa kasama dito ang pondo na ilalaan ng mga local government unit sa naturang lalawigan.(UNTV Radio)

Tags: , ,