Pormal ng binuksan ang Palarong Bicol 2017 sa Bicol University, Albay Sports and Tourism Complex Legazpi City kahapon
Naging maayos naman ang isinagawang parada na dinaluhan na may mahigit sa pitong libong mga kalahok na binubuo ng mga student athlete, coaches at chaperones
Ang palaro ay mayroong labing tatlong delegastion, mula sa anim na lalawigan at pitong lungsod ng Bicol.
Bakas din sa mukha ng mga student athlete ang kanilang kagalakan na sila ay nakabilang sa Palarong Bicol 2017.
Inaasahan naman na gaganapin sa April 2017 ang Palarong Pambansa sa Antique Province.
Tiniyak din ng City Health Office ng Legazpi City ang kanilang kahandaan ngayong Palarong Bicol 2017, kung saan mayroon silang mga itinalaga mga nurses at doctors na titingin sa kalusugan lalo na sa mga student athlete.
Mayroong ding nakaatabay na first aider at ems team sa mga billeting center at maging sa playing venues ng mga delagado.
Kanina ay inumpisahan ang ilang mga palaro gaya ng gymnastics, basketball, volleyball, badmenton at marami pang iba.
(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)
Tags: ilang government agencies nakiisa sa pagbubukas ng nasabing aktibidad, Palarong Bicol 2017, pormal ng binuksan sa Legazpi City