Sa kauna-unahang pagkakataon sa ilalim ng Duterte administration, dumaong sa Pilipinas ang Pakistan Navy ship para sa tatlong araw na goodwill visit sa Philippine Navy. Nagsimula ito kahapon at matatapos sa Linggo, December 17, 2017.
Sakay din ng Pakistan Navy ship ang Anti-Submarine Warfare o ASW Helicopter Z9EC na gagamitan para sa ilang naval exercise ng dalawang hukbong pandagat.
Ayon kay Capt. Dennis Quines ng Philippine Navy, isang malaking bagay ang magkaroon ng bilateral exercise kasama ang Pakistan lalo na’t pareho ang kanilang layunin na sugpuin ang terorismo.
Ayon naman sa commanding officer ng Pakistan Navy ship na si Capt. Shahzad Iqbal, ibabahagi nila sa Philippine counterparts ang kanilang kaalaman sa pagdating sa counter- piracy operations.
Ang Pakistan Navy ang unang hukbong dagat sa Asya na pinagkatiwalaan ng Command Task Force 151 para sa counter piracy operations.
Bilang bahagi ng good will visit, ililibot din ng Philippine Navy ang Pakistan Navy sa historical places sa places sa Maynila upang makita ang mayamang kultura ng Pilipinas.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: goodwill visit, Maynila, Pakistan Navy ship