Pakikipagpulong sa National Security Council kaugnay sa pambubully ng China, hindi na kailangan ayon kay PNoy

by Radyo La Verdad | April 21, 2015 (Tuesday) | 1288

pinoy-edited
Walang planong magpatawag ng isang pagpupulong ang Pangulo sa National Security Council kaugnay sa mga hakbang ng China sa disputed areas sa West Philippines Sea.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala pang plano para i-convene ang NSC dahil madalas namang kasama sa agenda ng Pangulo ang isyu sa West Philippine Sea sa mga regular meeting kasama ang kaniyang security cluster.

Sinabi pa nito, patuloy na natatalakay sa naturang pagpupulong ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan kaugnay ng isyu sa territorial dispute.

Ang National Security Council o NSC ay binubuo ng Pangulo, Bise Presidente, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, NSC Director General, Executive Secretary, Sec of National Defense, Justice Secretary at Secretary of Interior and Local Government.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)