Pakikipagpulong ni Pang. Aquino sa ilang kongresista kaugnay ng BBL, walang nangyaring suhulan—Malacanan

by Radyo La Verdad | May 20, 2015 (Wednesday) | 1512

EDWIN LACIERDA_052115

Naghahabol na ang administrasyong Aquino para sa pagpapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, naantala na ang pagpapasa ng BBL dahil sa January 25 Mamasapano encounter.

At isa ito sa mga layon ng Pangulo kaya kinausap niya ang ilan sa mga kongresista sa Malacanang ilang araw bago ang botohan sa BBL.

Paliwanag ng kalihim, ibig ng Pangulo na mabigyang diin sa mga mambabatas ang isinusulong na repormang pangkapayapaan sa Mindanao.

Pinabulaanan ng Malakanyang ang alegasyon ng ilang kritiko na sinuhulan ng salapi ng Pangulo ang mga kongresista o pinangakuan ng pwesto para sa Senatorial line-up ng Administrasyon sa 2016 elections bilang kapalit ng kanilang boto sa pagpapasa ng BBL. (Nel Maribojoc /UNTV News )

Tags: ,