Pakikipag-ugnayan sa United Nation hingil sa karapantang pantao sa Pilipinas, pananatilihin ayon kay Justice Chief

by Radyo La Verdad | March 3, 2022 (Thursday) | 656

Maninitili ang Pilipinas sa matagal nitong tradisyon ng constructive engagement sa United Nations (UN), ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa 49th Regular Session ng UN Human Rights Council, nitong February 28.

Binigyang-diin nito ang mga pagsisikap at pagpapalakas ng pamahalaan sa karapatang pantao at national accountability mechanisms, na layong ipagpapatuloy ang kasunduan hanggang sa pagpasok ng bagong administrasyon ngayong darating na eleksyon sa Hunyo.

Iniulat ni Justice Secretary Guevarra ang pagpapatuloy sa imbestigayon ng mga kasong ukol sa anti-drug campaign, suspected cases ng extra-legal killings at ilang human rights violation habang binibigyang-diin ang pagiging bukas ng Pilipinas sa capacity-building initiatives ng UN at ng 1991 Minnesota Protocol on Investigations of Potentially Unlawful Deaths.

Tinalakay din sa session ang Joint Program on Human Rights kasama ang suporta ng Norway, Australia at Estados Unidos at ang extension ng paanyaya ng Pilipinas sa pagbisita ng UN Special Rapporteur on the Sale of Children at Special Rapporteur on Freedom of Expression.

Sa pahayag ni Guevarra, pinagbigyang-diin nito ang firm commitment ng bansa sa batas pantao sa kahit anong administrasyon na darating at walang magiging epekto sa pag protekta at pagsulong ng fundamental rights at kalayaan ng mga mamamayang Pilipino.

“Mag papatuloy ang pakikipag-ugnayan upang mapanatili ang pagkamit at lumalim pa ang tapat, bukas, makabuluhan, at matibay na pagtutulungan ng international community at lahat ng development partners ng bansa.” dagdag ni Guevarra.

Binigyang liwanag ni Guevarra ang pag sulong ng seguridad at kapayapaan ng ating bansa at mga mamamayan.

(Myrveiña Natividad | La Verdad Correspondent)