Pakikipag-transaksyon ng publiko sa pamahalaan, mas pinabilis ng Ease of Doing Business law

by Radyo La Verdad | June 5, 2018 (Tuesday) | 6769

Suspensyon ng anim na buwan sa pwesto o isa hanggang anim na taong pagkakakulong ang parusa sa sinomang opisyal ng pamahalaan na lalabag sa Ease of Doing Business law.

Ang naturang batas ay naglalayong paikliin ang panahon sa pagproseso ng lahat ng mga transaksyon sa pamahalaan. Lahat ng transaksyon ay dapat abutin na lamang ng tatlong araw para sa simple transaction, pitong araw sa complex transaction at 20 araw sa highly technical transactions.

Kabilang dito ang paglalakad ng business permit, NBI, passport. clearance mga permit at iba pa.

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce, maganda ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon ay binubuo pa ang implementing rules and regulation ng naturang batas.

Subalit hangga’t wala pa ang Implementing Rules and Regulations (IRR), maaaring dumulog sa tanggapan ng DTI competitiveness bureau number.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,