Pagveto ni Pangulong Aquino sa SSS pension increase, malaki ang posibilidad na ma-override – Rep. Neri Colmenares

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 5441

REP-NERI-COLMENARES
Buo ang tiwala ni Bayan Muna Party list Rep. Neri Colmenares na magagawa ng kongreso na i-override ang veto ni Pangulong Aquino sa panukalang SSS pension increase.

Hindi pa man niya hawak ang aktuwal na bilang mga pumirma sa kanyang resolusyon marami na aniyang grupo ng mga kongresista ang lumapit sa kanya na nagsabing susuporta sa pag-override.

192-votes nalang ang kailangan ng Kamara upang mabaliktad ang pasya ng Pangulo at maibigay ang 2000 dagdag-pensyon ng mga SSS pensioner.

Kung tutuusin, sobra-sobra pa ang 211 na una nang bumoto pabor sa pagpasa nito sa Kamara.

Nakikipag-ugnayan narin umano ang kongresista sa senado upang sabay na makuha ang sapat na bilang ng boto upang ma-overrride ang veto.

Samantala sa programang Get it Straight Daniel Razon sinagot ng SSS ang unang inahayag ni Senator Francis Chiz Escudero na kayang maibigay ang dagdag pensyon kung gagawin ng SSS ng maayos ang kanilang trabaho upang makakolekta ng sapat pondo.

Kaya naman walang ibang paraang nakikita ang SSS upang maibigay ang dagdag na pensyon, kundi itaas din ang kontribusyon.

Samantala kung magagawang ma-override ng kongreso ang SSS pension increase ito ang kauna unahang pagkakataon na mababaliktad ng kongreso ang pasya ng Pangulo.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,