Pagtugis sa mga nalalabing suspek ng Maguindanao massacre, sinisikap

by Radyo La Verdad | November 27, 2023 (Monday) | 279

Hinimok ng National Press Club (NPC) ang mga awtoridad na tugisin ang mga natitira pang suspek sa Maguindanao massacre kung saan nasawi ang 58 na indibidwal kabilang ng 32 kawani ng media noong November 23, 2009.

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, bagama’t malaking bagay para sa kanila ang pagkakakulong ng 44 na suspek ay hindi pa rin aniya ganap na nakakamit ang katarungan hanggat nanatiling malaya ang 83 suspek sa malagim na krimen.

Matatandaang nasintensyahan ang magkapatid na sina Andal Ampatuan, Jr., at Zaldy Ampatuan ng habang buhay na pagkakabilanggo 10 taon matapos ang pamamaslang.

Ang 58 biktima ay nakatakda sanang saksihan ang paghahain ni noo’y dating Vice Mayor Esmael Mangudadatu ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka gobernador nang harangin ang convoy nito ng mga armadong grupo at pagbabarilin sa Ampatuan, Maguindanao.

(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)