Pagtigil ng U.S. sa pagbebenta ng assault rifles sa PNP, hindi ikinabahala ng pangulo

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 880

pres-duterte
Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa balitang ipinatigil na ng Estados Unidos ang pagbebenta ng assault rifles sa Philippine National Police.

Unang napaulat na hinarang ng US State Department ang pagbebenta ng dalawampu’t anim na libong assault rifle sa PNP dahil sa umano’y nangyayaring human rights violation sa bansa.

Hindi naman natinag ang pangulo dahil may ibang bansa naman na handang tumulong sa Pilipinas tulad ng Russia.

Tags: ,