Pagtigil ng PRC sa pagpo-proseso ng swab tests, naka-apekto sa testing capacity ng bansa – DOH

by Erika Endraca | October 23, 2020 (Friday) | 1497

METRO MANILA – Aminado ang Department Of Health (DOH) na naapektuhan ang testing capacity ng bansa sa pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagpo-proseso ng swab tests.

Dahil ang PRC ang nangunguna sa Covid-19 testing ng mga Returning Overseas Filipino Workers, Frontline Health at Government Workers at ilan pang kabilang sa expanded testing guidelines ng DOH.

“We recognize that fact, hindi po tayo magkakaila na talagang malaki po ang contribution ng Philippine Red Cross sa ating daily outputs or the outputs for our laboratories. Makikita natin na malalaki talaga yung mga laboratoryo nila at yung kanilang mga kapasidad at it’s distributed across the areas of the country.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Labing isang government facilities ang katulong ngayon ng DOH sa pagsalo sa mga secimen na dating tinatanggap ng PRC.

Kabilang dito ang Jose B Lingad hospital sa Pampanga na kayang mag- proseso ng tatlong hanggang limang libong tests kada araw Gayundin ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City .

Samantala inaalam na ng DOH kung ilang mga specimen ang pending ngayon dahil sa problema sa testing capacity private laboratories na nagpahayag ng intensyong sumalo ng ilang specimen para sa Covid-19 tests.

May ilang private laboratories din ngayon na katulong ang DOH sa pag- proseso ng resulta nitong darating na weekend

“Kailangan may mga arrangements na isaayos tayo kasi becasue we do not like that their operations that are existing right now would be hampered becasue of these additional load of specimens.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa ngayon nasa 7,000 returing OFWs na ang stranded sa 126 na quarantine hotels sa Metro Manila dahil sa mabagal na paglalabas ng swab test results.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,