Pagtigil ng pag-iimprenta ng mga balota para sa October polls, hindi dahil sa posibleng election postponement – COMELEC

by Radyo La Verdad | August 28, 2017 (Monday) | 1399

Pinabulaanan ng Commission on Elections Printing Committee na may kinalaman sa hinihintay na desisyon ng senado kaugnay ng October polls postponement kaya pansamantala nilang itinigil ang pag –iimprenta ng mga balota para sa baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon sa komite, inaayos nila ang bilang  ng mga balotang dapat ma-imprenta sa ilang polling precincts. Pag-aaralan din ng poll body kung makakaapekto ito sa  printing sa target nilang petsa para matapos ito sakaling matuloy ang halalan. Sa huling ulat ng COMELEC may tinatayang 15,  o 21 balota na ang na- imprenta para sa lalawigan ng Batanes.

Samantala, inaasahan namang ilalabas na ngayong linggo ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation ang desisyon nito kung itutuloy ba o ipagpapaliban ang October polls.

Ito ang inihayag noong Byernes ng chairman ng komite na si Sen. Richard Gordon matapos ang pagdinig sa senado kasama ang mga kinatawan mula sa COMELEC, National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL at ilan pang ahensya na may partispasyon sa halalan.

Una nang inihayag ng ilang sendor ang pagtutol na muling ipagpaliban ang halalan.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,