Pagtatayo ng coal-fired power plant sa La Union, tinutulan ng environmental groups

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1228

la-union
Nagsagawa ng dayalogo ang mahigit sa isandaang residente ng Barangay Carisquis at lokal na pamahalaan ng Luna, La Union kaugnay ng planong pagtatayo ng coal-fired power plant.

Ayon kay Luna Mayor Victor Marvin Marron, malaking benepisyo ang maibibigay sa kanilang bayan kung matutuloy ang pagtatayo ng global business power corporation ang 670-megawatts na planta sa apat napung ektarya ng lupain sa barangay.

Ngunit ang mga residente at ilang grupo, tutol sa panukala dahil umano sa masamang epekto nito sa kapaligiran at kalusugan.

Ayaw rin ng ilang residente na maraming dumayo sa kanilang lugar dahil tiyak na mawawala ang nakagawian nilang katahimikan at payak na pamumuhay.

(Toto Fabros/UNTV Radio)

Tags: