METRO MANILA – Hindi pa nakikita ng isang infectious disease expert ang pagtatapos ng COVID-19 sa bansa ngayong taon.
Sa kabila ito ng pahayag ng World Health Organization (WHO) na natatanaw na nila ang pagtatapos ng pandemya sa mundo.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, posibleng sa susunod na taon pa ito dahil mataas pa rin ang naitatalang mga kaso sa bansa.
Marami pang naitatalang local transmission lalo na sa mga bahay dahil sa BA.5 variants.
Sa latest data ng Department of Health (DOH) 72.7 million na mga Pinoy na ang nakakumpleto ng primary series o 66.2% ng total population at 18.5 million naman ang nakatanggap ng booster dose.
Payo ni Dr. Solante sa publiko, hindi dapat magpaka-kampante ang publiko sa pagsunod sa health protocols.