Pagtatanim ng puno at clean up activity ng mga government at private agencies, sentro ng pagdiriwang ng Earth Day ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 2228

BRYAN_EARTH-DAY
Ipinagdiwang ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at ng ilang pribadong ahensya ang Earth Day ngayong araw.

Ito’y sa pamamagitan ng paglilinis ng mga basura at pagtatanim ng mga puno sa ilang bahagi ng Manila Bay.

Kabilang na rito ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-tourism Area.

Ang lugar na ito ang unang critical habitat na idineklara sa bansa sa bisa ng Presidential Proclamation 1412 noong Abril 2007.

Kaisa sa aktibidad si Miss Earth 2015 Angelia Gabrena Ong at ng ilang kandidata ng Miss Philippines Earth 2016.

Ang pagdiriwang ng Earth Day sa taong ito ay may temang “Trees for the earth”.

Ayon naman sa Philippine Coast Guard, handa silang tumulong sa environmental protection activity.

Layon din ng Earth Day 2016 na makapagtanim ng 7.8 bilyong puno bago sumapit ang taong 2020

Kabilang din sa mga aktibidad ngayon ang collective hand tree planting at nature exposure walk.

Ayon kay Senador Villar, ang pagtatanim ng puno ay importante para sa paglaban sa climate change sa bansa.

Samantala, kaugnay ng Earth Day 2016 ay ang paglagda sa Paris Agreement on Climate Change ngayong araw na isinagawa sa United Nations headquarters sa New York City.

Pinangunahan ang delegasyon ng Pilipinas nina DENR Secretary Ramon Paje at Climate Change Commission’s Chairman Emmanuel de Guzman.

Kasama ang Pilipinas sa 155 bansa na lumagda sa Paris Agreement on Climate Change.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,