Pagtatanggal ng contractualization at pagtataas sa sahod, ilan sa prayoridad ng incoming DOLE Sec. Bebot Bello III

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 2333

former-Justice-Secretary-Silvestro-Bello-the-third
Pinag-aaralan na ni former Justice Secretary Silvestro Bello the third ang mga repormang uunahin niyang ipatupad sa sector ng paggawa matapos na tanggapin ang alok ni presumptive President-Elect Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Labor and Employment.

Dagdag ni Bello, kailangan pa ring dumaan sa masusing pag-aaral at mga konsultasyon ang mga hakbang na ito lalo na sa mga stakeholder na posibleng maapektuhan.

Nais ring tutukan ni Bello ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso.

Kaugnay naman ng plano ni Duterte na pagtatatag ng hiwalay na departamento na tututok sa overseas workers, ayon kay Bello, isa itong magandang hakbang ngunit nangangailangan pa rin ito ng masusing pag-aaral.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,