Pagtatalaga ng sentralisadong speed limit sa buong bansa, isinusulong ng Department of Transportation

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 1801

Sa pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization, 30% ng mga fatal road crashes sa buong bansa ay bunga ng mabilis sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Kaya naman isinusulong ng Department of Transportation na magkaroon ng sentralisadong speed limit sa buong bansa. Sa sentralisadong speed limit, magkakaroon ng limitadong bilis ang lahat ng mga sasakyan, depende sa kalyeng kanilang dadaanan.

Halimbawa, sa open roads gaya ng national roads at highways, 60-80kph ang speed limit ng mga kotse, motor at mga kaparehong sasakyan samantalang 50kph naman ang limit ng mga trucks, buses, tricycles at mga kapareho nitong sasakyan.

Sa mga provincial highway roads naman, 40kph  ang limitadong bilis ng mga kotse, motor at mga kaparehong sasakyan habang 30kph naman ang limit ng mga trucks, buses, tricycles at kapareho nitong sasakyan.

At sa mga crowded streets gaya ng mga barangay roads ay nasa 20kph ang lahat ng klase ng sasakyan.

Bukod sa speed cameras, plano rin ng kagawaran a bumili ng speed guns para mamonitor ang mga motorista.

Apat na oras na seminar sa road safety na may kaakibat na 500 to 2000 pesos ang parusa para sa first offense.

Apat na oras na seminar sa road safety at tatlong oras na community service kasama ang 1,000 to 2,500 pesos na multa sa second offense at iimpound ang sasakyan at makukulong ng 30 days o isang buwan kaakibat ang 1,500 to 3,000 pesos na multa sa ikatlong paglabag.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,