Ipinahayag ni PDEA NCR Dir. Villanueva sa programang Get it Straigth with Daniel Razon na may mga bagay na dapat mabago sa Bureau of Customs upang masawata ang mga drug shipment, tulad na lang ng pagkakaroon ng mga tauhan ng PDEA sa opisina mismo ng BOC.
Pero tila naiba bigla ang ihip ng hangin, ang ahensya na dati niyang tinutuligsa dahil sa kapalpakan ay siya niya ngayong pagsisilbihan, ito ay ang Intelligence and Investigation Service na pwesto ni dating Dir. Neil Anthony Estrella.
Samantala, malaki raw ang natutunan ni Dir. Villanueva sa pagdalo niya sa pagdinig sa Senado bagamat istorbo sa trabaho.
Counter intellegence ang tututukan ni Dir. Villanueva sakaling maupo na sa customs. Ang pagiging o straight at trouble shooter ni Commissioner Lapeña ang kaniya raw pinanghahawakan.
(Jun Soriao / UNTV Correspondent)
Tags: BOC, drug smuggling, pdea