Pagtatalaga kay DepEd Sec. Leonor Briones, kinumpirma na ng CA

by Radyo La Verdad | March 16, 2017 (Thursday) | 3243


Halos apat na oras dininig ng Commission on Appointments ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Leonor Briones bilang kalihim ng Department of Education.

Sa pagdinig ng CA Committee on Education, Culture and Sports sa pamumuno ni Sen. Bam Aquino, kinuwestiyon ni Rep. Juliet Cortuna ang paglalagay ni Sec. Briones ng karagdang consultants na umano’y may administrative positions sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.

Depensahan rin ni Briones na ang pagdadagdag niya ng assistant secretaries at undersecretaries na tututopk sa paggamit ng pondo ng kagawaran.

Samantala, nilinaw din ni Sec. Briones na wala sa mandato ng DepEd ang mamahagi ng condom sa mga paaralan sa kabila ng naipasang Reproductive Health Law.

Nilinaw din nito na hindi hadlang ang kanyang edad upang magampanan ng maayos ang trabahong iniatas sa kanya ng pangulo.

Matapos ang mga pagtatanong ng CA members, irekomenda na ng komite sa plenaryo ang confirmation ni Briones at wala namang tumutol dito.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,