Pagtapos sa manual ng OPLAN Lambat Sibat, pinamamadali na ni PNP Chief Marquez

by dennis | July 29, 2015 (Wednesday) | 2228

PNP CHIEF MARQUEZ

Pinamamadali na ni Philippine National Police Chief, Director General Ricardo Marquez ang pagtapos sa manual ng OPLAN Lambat Sibat na magsisilbing guide o giya ng mga pulis para sa paglunsad ng mga operasyon laban sa iba’t-ibang krimen na nagaganap sa bansa.

Base sa pahayag ni Marquez, inatasan niya ang Directorate for Operations na tapusin ang manual sa lalong madaling panahon. Dagdag pa nito na kinukuha niya ang input ng lahat ng mga kumander sa National Capital Region para ito ay maisapinal.

Aniya oras na mabuo ang manual ng OPLAN Lambat Sibat ay agad nitong ipakakalat at sisimulang ipatupad sa ibang rehiyon sa bansa, lalo na sa mga lugar na madalas magkaroon ng krimen.
Kasalukuyang ipinatutupad pa lamang ang OPLAN Lambat Sibat sa Metro Manila, Region 3 at 4a.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio)