Pagtanggal sa police escort ni PDEA Chief Aaron Aquino, hindi paghihiganti ayon sa PNP

by Radyo La Verdad | October 1, 2019 (Tuesday) | 15575

Walang kinalaman ang isyu ng ninja cops sa pagtatanggal ng PNP sa labing limang police escort kay PDEA Director Aaron Aquino noong Sept.18, 2019.

”None of course none, nag-usap kami ni Gen. Aquino, in fairness naman sa kaniya it has nothing to do with the yung lalo na nasabi niyang ram and I think he has cleared that already over and over again,” ani PGEN. Oscar Albayalde.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGEN. Bernard Banac, gagamitin sa seagames ang mga pulis na nakatalaga sa region 3 kaya ni-recall lahat ng pulis na nagdu-duty bilang police escort.

Minabuti nila na i-recall muna pansamantala ang lahat ng mga pulis nila na organic sa region 3 na nakatalaga sa mga government officials natin at hindi po upang i-single out si Gen. Aquino,” ani PBGEN. Bernard Banac, Spokesperson, PNP.

Sinabi pa ni Banac na pansamantala lamang ito hanggang sa matapos ang seagames.

Karaniwan ay dalawang police escort lang ang pwedeng maibigay ng police Security and Protection Group (PSPG) para sa isang VIP. Ngunit ayon kay Albayalde, habang kasalukuyang inaayos ang request na security escort ni Aquino ay pansamantalang binigyan muna ito ng apat na bantay dahil sa banta sa buhay nito.

Ang iniiwasan lang din natin dito is yung masilip din tayo that’s why other VIP’s we are very strict in implementing the Alunan doctrine, but ito we are extending the courtesy already alam naman natin ang kalagayan ng Director  Gineral ng PDEA,” ani  PGEN Oscar Albayalde.

Matatandaang si PDEA Director General Aaron Aquino ang nagbunyag sa Senado ng muling pamamayagpag ng mga pulis na tinaguriang ninja cops na nagre-recycle ng ilial na droga sa bansa sa tulong ng tinaguriang Drug Queen ng Maynila.

Tags: ,