Pagtanggal sa Bise Presidente bilang kahalili ng Pangulo sa ilalim ng draft charter sa Kamara, desperate move – VP Robredo

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 9406

Hindi nagustuhan ni Vice President Leni Robredo ang pagbabale-wala sa kanya sa presidential line of succession sa ilalim ng draft federal charter ni House Speaker Gloria Arroyo.

Aniya, malinaw na desperado ang mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyon na mapaalis siya sa pwesto.

Iginiit din nitong malinaw ang isinasaad sa batas na siya ang karapat-dapat na magtuloy ng tungkulin ng Pangulo sakaling umalis ito sa kanyang pwesto sa anomang kadahilanan.

Hindi rin aniya maaaring gamitin laban sa kanya ang nakasampang election protest dahil wala pa naman aniyang resulta ito.

Umaasa din ito na hindi makakalusot sa Senado ang naturang draft.

 

( Lalain Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,