Balik-sesyon na ngayong araw ang Senado matapos ang isang linggong break.
Ngayong araw ay sinimulan nang talakayin ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang budget ng mga ahensya ng pamahalaan.
Unang tatalakayin ng Senado ay ang 27 bilyong pisong 2019 – proposed budget ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ngayong linggo ay tatalakayin na rin ang panukalang budget ng Office of the President.
Matatandaang ipinagpaliban ng Senado ang pagtalakay sa panukalang budget dahil itinigil rin ng Kamara ang budget briefing dahil sa pagkontra nito sa cash based budgeting system ng Department of Budget and Management (DBM).