Pagtalakay sa BBL sa plenaryo tiyak na maapektuhan kapag abala na sa kampanya ang ilang senador- Sen. Marcos

by Radyo La Verdad | September 1, 2015 (Tuesday) | 1147

MARCOS
Nasa period of interpellation ang panukalang panukalang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region upang mabusisi pa ng ilang senador

Ngunit, ayon kay Senador Ferdinand “bong bong” Marcos, posibleng maapektuhan ang schedule ng pagtalakay ngng panukalang batas sa plenaryo oras na magsimula ng mangampanya ang ilang mambabatas

Sa senado kabilang sa mga maugong na pangalan na posibleng tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 election sina Senador Marcos, Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes the fourth, Grace Poe at Chiz Escudero

Habang re-electionist naman sina Senate President Franklin Drilon, Senators Teofisto Guingona the third, Sergio Osmeña the third, Ralph Recto at Vicente Sotto the third

Ayon sa Commission on Election o Comelec ang paghahain ng Certificate of Candidacy ay maguumpisa October 12 to 16 at campaign period naman para sa mga national candidate ay maguumpisa February 9 hanggang May 7

Kanina ay nasa assumption college sa San Lorenzo Makati si Marcos upang talakayin at sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa nasabing panukalang batas.

Tiniyak ni Senador Marcos na ang substitute bill na kanyang inindorso sa plenaryo ay may konkretong probisyon upang di maabuso ang pondo na ilalaan ng pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region. ( Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: