Tinatayang nasa 95% na ang pagtalakay sa proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagapapatuloy ng deliberasyon ng bicameral conference committee.
Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, ilang probisyon na lang ang natitirang pag-uusapan sa bicameral conference ngayong araw. Kabilang ang paglilinis ng justice system ng BBL partikular ang Shariya Courts. Tatalakayin din aniya ang constitutionaility issue ng hurisdiksyon sa Bangsamoro waters.
Nais ng Bangsamoro Government na kontrolin ang mga anyong tubig sa pagitan ng mga karatig na Island provinces at tatawagin itong zones of cooperation katuwang ang national government. Nababahala umano ang Bangsamoro fishing communities sa kawalan ng isdang nakukuha sa karagatan.
Inihayag rin ni Zubiri na sumama ang loob ng ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Dapat aniya ay ipaubaya n alang kay Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jesus Dureza ang pakikipag-usap sa mga partidong apektado ng mga rebisyon at pagbabago sa BBL.
Plano ng kumite na matapos ang delegasyon ngayong araw at aprubahan ang bicameral conference committee report sa Miyerkules ng kasunod na linggo.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )