Isinusulong sa Senado ang isang panukalang batas na layong itaas ang minimum na sahod ng mga doktor ng gobyerno sa P50,000.
Batay sa Senate Bill 2689 na iniakda ni Sen. Grace Poe, mula sa P26,259 minimum wage ng mga doktor na nagtatrabaho sa gobyerno ay balak itong itaas sa P50,000 o katumbas ng salary grade level 24 sa mga kawani ng pamahalaan
Ayon kay Poe, napapanahon na para itaas ang sahod ng mga doktor sa mga pampublikong ospital at health centers para mas maengganyo ang mga medical professionals na magtrabaho para sa gobyerno sa halip na maghanap-buhay sa ibayong dagat.
Batay pag-aaral ng International Labor Organization, ang mga health professionals sa Pilipinas ay nangingibang bansa dahil sa “colonial mentality, economic needs, career development at mas maayos na pamumuhay sa ibang bansa.”
Ayon naman sa Alliance of Health Workers (AHW) ang mababang sahod at hindi makataong kondisyon sa trabaho sa bansa ang dahilan ng mga doktor para mangibang-bayan.
Tags: government doctor, government service, salary grade, Sen. Grace Poe, Senate Bill 2689