Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, masikap na tinutugunan ng gobyerno – NEDA

by Radyo La Verdad | May 11, 2023 (Thursday) | 5173

METRO MANILA – Naglabas ng pahayag ang National Economic and Development Authority (NEDA) nitong May 8 sa pamamagitan ng Presidential Communications Office na matagumpay na nabawasan ang kabuoang inflation sa bansa sa nakalipas na 3 buwan ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ito ay bahagi ng pagsisikap ng NEDA na matugunan ang mga isyu na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong mga nakaraang buwan.

Gayunpaman, ipinunto ng ahensya na ang bilang ng “self-rated poor” ay nananatili sa kabila ng pagbuti ng labor market, kaalinsabay sa pagsisiyasat ng Social Weather Stations (SWS) noong March 2023 na nagsasabing 14-M o kalahati ng lahat ng pamilyang Pilipino ay inilarawan ang kanilang sarili bilang mahirap.

Isinaysay ng NEDA na marami pang gagawin upang makamit ang hangarin ng gobyerno na maibaba sa 2% hanggang 4% ang inflation sa bansa sa katapusan ng taon.

(Andrei Canales | La Verdad Correspondent)

Tags: ,