Pagtaas ng presyo ng kamatis, epekto ng typhoon season ayon sa BPI

by Radyo La Verdad | September 6, 2023 (Wednesday) | 4829

METRO MANILA – Sobrang mahal ng kamatis na mabibili sa mga pamilihan ngayon na umaabot sa P160 hanggang P230 kada kilo na double o triple pa kumpara sa dating presyo nito.

Pero ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), normal lamang ito sa ganitong panahon bunsod ng kaunting ani dahil sa mga pag-ulan at sa nagdaang mga bagyo.

Kapag tag-araw ay namomroblema naman ang mga magsasaka dahil sa sobrang dami ng supply ng kamatis.

Kaya ang Department of Agriculture (DA), nagpapatayo  ngayon ng mga pasilidad na maaaring mag proseso ng kamatis gaya ng tomato paste.

Tags: , ,