Pagtaas ng presyo ng bilihin sa unang 2 buwan ng taon, hindi dahil sa TRAIN Law

by Radyo La Verdad | February 26, 2018 (Monday) | 10768

Umabot sa halos apat na porsyento ang overall inflation rate sa buong bansa ngayong Enero. Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, serbisyo at iba pa.

Mas mataas ito kumpara sa naitalang inflation rate noong Disyembre ng nakaraang taon.

Bago ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, nasa P33 ang average na presyo ng isang litro ng diesel pero tumaas ito ng P9 matapos ipatupad ang tax reform program nitong Enero.

Subalit ayon sa ilang fiscal officials, hindi dapat bultong isisi sa TRAIN Law kung tumaas ang presyo ng ilang bilihin gaya sa bigas.

Iginiit rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) na may iba ring factors na nakaapekto sa pagtaas ng presyo ng ibang produkto gaya sa karne.

Isa pa sa sinasabing dahilan ng inflation rate ay ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market at ang paghina ng piso.

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

 

Tags: ,