Pagtaas ng presyo ng bigas posibleng maranasan sa buong mundo dahil sa climate change – IRRI

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 17314

SHERWIN_BIGAS
Pinangangambahan ng International Rice Research Institute na magkaroon ng krisis sa bigas sa buong mundo dahil sa epekto ng El Niño phenomenon at climate change.

Ayon sa IRRI sa kasalukuyan ay bumaba na ang rice production sa bansa pati na sa iba’t- ibang rice producing countries sanhi ng pabago bagong panahon.

Kapag mababa ang supply ng bigas kumpara sa mataas na demand, tiyak na tataas ang halaga nito sa merkado.

Bunsod nito hinikayat ng IRRI ang iba’t ibang bansa na magpatupad ng agarang aksyon upang tugunan ang suliraning kinakaharap sa suplay ng bigas.

Isang hamon din para sa IRRI ang patuloy na paglobo ng populasyon sa buong mundo.

At pagbaba naman ng bilang ng mga taong nagkaka-interes na pasukin ang agricultural sector hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.

Sa pagtaya ng IRRI sa taong 2050 mayroon ng sampung bilyong tao na mangangailangan ng bigas ngunit hindi tiyak kung may mga magsasaka pang magtatanim ng mga palay.

Hinimok rin nila ang mga kabataan ngayon na kumuha ng agricultural courses na sinamahan ng makabagong yielding procedures upang maiwasan ang posibleng food crisis.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,