Pagtaas ng naitatalang kaso ng Dengue, naobserabahn  sa 3 pang rehiyon sa bansa

by Radyo La Verdad | April 13, 2022 (Wednesday) | 13457

METRO MANILA – Nakatutok ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga rehiyong kinakikitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue.

Partikular na sa ilang  lugar sa  Cagayan Valley, Western Visayas, Davao region at Zamboanga Peninsula.

Sa mga ito, ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang nag-deklara na ng dengue outbreak noon nakaraang linggo.

Bagamat hindi naman buong rehiyon ang apektado ng dengue outbreak, naka- alerto pa rin ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak na may espasyo pa sa mga ospital sakaling tumaas din naman muli ang COVID-19 cases.

Paalala ng DOH sa publiko, tiyakin na walang maaaring pamugaran ng lamok sa mga bahay lalo na at maulan ang panahon.

Samantala, bukod sa COVID-19 nakamatyag din ang DOH sa mga sakit na posible pang kumalat sa evacuation centers.

Pinag- iingat rin ng DOH ang publiko sa leptosrpirosis sa mga lugar na may baha.

Babala ng DOH kaagad magpatingin sa doktor kapag nagka-lagnat, sumakit ang kasu-kasuan, sumakit ang tiyan at iba pang sintomas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,