Pagtaas ng kaso sa bansa sa mahigit 300, maituturing na “Artificial Rise” lang – DOH

by Erika Endraca | May 28, 2020 (Thursday) | 4315

METRO MANILA – Ang biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa noong Martes na umabot sa Mahigit 300 ay maituturing na “Artificial Rise” lang ayon sa Department Of Health (DOH).

Paliwanag ng DOH, ang nakadagdag sa pagtaas ng kaso ay mula sa mga umuwing OFW’s na nag – positibo sa COVID-19.

Kapag pumasok na ang resulta ng mga OFW sa mga susunod na araw, makikita muli ang tunay na bilang ng COVID-19 Cases .

Wala rin aniyang epekto ang Artficial Rise sa sitwasyong “Flattening The Curve” na ang mga kaso sa Pilipinas

Kahapon (May 27), 380 naman ang nadagdag na bagong kaso, 34 sa mga ito ang mula sa hanay ng mga OFW.

Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, karamihan pa rin ng mga naitatalang bagong kaso ay mula pa rin sa NCR.

Kaugnay nito ang case doubling time o pagdoble ng kaso sa NCR ay inaabot na ng nasa 6 araw kumpara sa 2 araw bago pa maipatupad ang Community Quarantine measures ng Pamahalaan.

Samantala, nagbigay na ng kautusan si Sec Duque na 24/7 operation ng mga licensed testing laboratories sa bansa upang ma- meet ang daily testing target ng 30,000 kada araw .

Kailangan aniyang umagapay ang ibang testing laboratories upang mabawasan ang natetenggang specimen na kailangang lumabas ang resulta. Sa kasalukuyan mayroon nang 42 licensed testing laboratories sa bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,