Pagtaas ng kaso ng Covid-19 ngayong holiday season, nag-umpisa na sa NCR – DOH

by Erika Endraca | December 18, 2020 (Friday) | 9823

METRO MANILA – Nasa 9 na lungsod na sa Metro Manila ang nakikitaan ng pagtaas ng kaso ng Covid-19. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa moderate ang pagtaas ng kaso sa mga naturang lugar kung saan mahigit na sa 1 ang reproductive number mula sa 0.8 nitong mga nakalipas na 5 Linggo.

Nangangahulugan ito na mahigit sa 1 tao na ang pwedeng mahawahan ng isang positibo sa Covid-19.

“It’s not really a surge yet, ano? Pero nakikita natin na ang kaso ay tumataas na sa iba ibang bahagi ng bansa. Kung hindi tumataas sa kanilang lugar, may areas na nagplataeu na po ang kanilang pagbaba ng kaso.ibig sabihin, sinasbai ng mga eksperto, this is risky because maari nang tumaas eventually in the coming days kung di mapipigilan ang ganitong practices ng ating mga kababayan.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nakitaan na ring ng pagtaas ng kaso sa region 1, 2 at sa Cordillera Adminstrative Region

Pangamba rin ng mga eksperto na kapag hindi ito naagapan ngayon ay tiyak na mao- overwhelm mapupuno na ang hospital capacity ng bansa gaya ng naranasan ng bansa noong Hulyo.

“Ang mga kasapi ng HPAAC sa emergency departments ay marami nang dumadaing at nagwarn na dumadami ang pumapasok na kaso sa mga emergency department. Baka it’s already beginning and there are early signs of that surge: ang increase in number of cases is one, and calls for emergency departments that cases are increasing.” ani HPAAC Convenor, Dr. Antonio Dans.

Maging ang World Health Organization Western (WHO) Pacific Region nakikita rin ang pagtaas ng kaso ngayong holiday season sa mga bansa sa asya kapag nagpakakampante ang publiko.

Kaya naman payo ni WHO Western Pacific Regional Director Dr Takeshi kasai na isipin naman natin ang ating kapwa.

“I urge you to think about those who maybe at high risk of severe Covid. If you catch the virus you could unknowingly pass it on to your parents or your grandparents, your neighbor or friends with an underlying condition. I also urge you to think of health workers perhaps you have a friend or relative that are doctors or nurse , they have been working day and night for almost a year. They are exhausted and so please do evertyhing you can to avoid infection.” ani WHO Western Pacific Region Regional Director Dr. Takeshi Kasai.

Ayon pa sa mga eksperto posibleng umabot sa mahigit 4,000 Covid-19 case kada araw ang kaso sa ncr sa jan 2021 kapag hindi nasunod lahat ang ipinatutupad na minimum health standards.

Apela nila, sundin man lang ang 3 sa 4 na protocols at limitan sa 15 minuto ang exposure sa labas upang makaiwas na mahawa sa Covid-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , ,