Pagsusuot ng face shield, polisiya sa mga “enclosed setting”- DOH

by Erika Endraca | June 17, 2021 (Thursday) | 7433

METRO MANILA – Nananataling polisya ang pagsususot ng face shield sa mga enclose setting gaya ng paaralan, workplaces, public transport at terminals at mga bahay sambahan.

Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire ito ay nakasaad sa joint memorandum circular 2021-0001 on the clarificatory guidelines on the mandatory use of face shields outside of residence for COVID-19 mitigation.

Nilinaw rin Usec Vergeire sa isang pahayag na pinapayagan nila ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na health protocols sa kanilang nasasakupang mga lugar.

Kasunod ito ng ipinahayag ni Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega kahapon (June 16) na maaaring bigyan ng konting konsiderasyon sa hindi pagsusuot ng face shield ang ilang indibidwal lalo na kung ito ay nakasasagabal sa kanilang trabaho.

Dagdag pa ni Usec Vega, kabilang dito ang ilang uri ng manggagawa gaya ng karpintero, couriers at carwash staff ang maaaring makaranas ng hirap sa paggawa nang suot ito.

“Ang faceshield kailangan naman talaga ‘yan kapag nasa indoor ka, kapag nasa mall ka or may interaction ka na face-to-face interactions inside pero kapag nasa outside naman kasi alam naman natin na ang risk of transmission is very low at lalong- lalo kapag naglalakad ka lang sa kalye o nagtatrabaho kasi maka-affect ang moist nito so pwede tanggalin ‘yan.” ani DOH / Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega.

Nguni’t sinabi rin naman ni Usec Vega na dahil mas mabilis ang hawaan sa mga enclosed setting gaya ng opisina, mall at restaurants, kailangan pa rin ang dagdag na proteksyon na faceshield.

“Pero kapag pumasok kayo sa mga indoors ho kailangan may face shields kasi ito ay added protection para hindi maka- transmit or mahawaan kayo” ani DOH / Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega.

Ayon sa mga health expert, ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa physical distancing ay nakapagbibigay ng 99% proteksyon sa isand indibidwal kontra COVID-19

Ayon naman kay Dept of the Interior and Local Government Usec Jonathan Malaya, bahagi ng mga health protocol upang makaiwas na mahawa sa COVID-19 ang pagsusuot ng face shield,

Nananatiling mandatory ang pagsusuot nito sa pilipinas hanggang umiiral ang covid-19 pandemic

“May I just emphasize this to our local government units present, even if nagbabago ang ating community qurantine status hindi po ibig sabihin nagbabago po ang adherence natin to minimum public health standards. Kahit maluwag na, kahit mag new normal na tayo—hindi po talaga mawawala yung social distancing, face mask, face shield. Even face shield. That is going to be part of the new normal, the vaccination efforts, ventilation, social distancing, lahat po iyan is expected to be enforced until the pandemic is officially over. “ ani DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya.

Ayon sa ulat ng DILG, mula june 6 hanggang June 13, 2021, mahigit 67,000 ang naitalang quarantine violations sa buong bansa loob lamang ng 8 araw.

51, 607 dito ang walang suot na face mask, at hindi pagsunod sa physical distancing na umabot sa mahigit 15,000.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,