Pagsusuot ng face mask sa loob ng mga eroplano, mandatory pa rin

by Radyo La Verdad | March 22, 2023 (Wednesday) | 1178

METRO MANILA – Naglabas ng paglilinaw ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pinaiiral na optional na pagsusuot ng face mask sa paliparan.

Sa abiso ng MIAA, iginiit nito na ang pina-iiral lamang na optional na pagsusuot ng face mask ay sa loob ng airport.

Gayunman, nananatili anilang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa loob ng eroplano.

Inoobliga rin anila ang pagsusuot ng face mask sa transportation vehicles tulad ng airport buses.

Tiniyak din ng MIAA na magdaragdag sila ng mga tauhan sa airport para matiyak na mabilis ang magiging proseso ng pagbiyahe ng mga pasahero.

Tags: ,