Pagsusuot ng face mask, posibleng hindi na gawing mandatory liban sa vulnerable population – Expert

by Radyo La Verdad | February 22, 2022 (Tuesday) | 2001

METRO MANILA – Nasa mahigit 1,000 kaso ng COVID-19 na lang kada araw ang naitatala sa bansa sa mga nakalipas na araw.

Kahapon (February 21) 1,427 COVID-19 cases na lang ang naitala, 3,269 na gumaling at 79 na nasawi

Ayon sa Infectious Dexpert at Vaccine Expert Panel Member na si Dr. Rontgene Solante kapag nagpatuloy na bumaba ang COVID-19 cases at lumawak pa ang booster vaccination sa bansa, maaari nang magtanggal ng face mask

Nguni’t babala ng eksperto ang saklaw lang ng pagtatatanggal ng face mask ay ang mga walang sakit at malalakas pa.

Pabor din si Dr. Solante na magluwag pa sa mga protocols sa susunod na buwa. Nguni’t dapat ay tumaas pa ang booster vaccination rate sa Pilipinas.

Ito’y upang maiwasan na ang pagkalat ng Omicron variant of concern lalo na ang sublineage nitong BA.2 na mas madami ngyon sa Pilipinas.

Isa sa kinahaharap ngayon na hamon ng National Vaccination OperationsCenter (NVOC) ang mababang booster vaccination sa Pilipinas.

Sa isinagawang Bayanihan Bakunahan 3, 1-M lang ang nagpa- booster, kaunti ito sa inaasahan ng pamahalaan.

Isa pa sa tinitignang estratehiya ngayon ng pamahalaan ay gawin tuwing Biyernes o weekend ang pagbibigya ng booster shot.

Pa- planuhing maigi ng NVOC ang mga lugar at sektor na bibigyan ng booster para lalong maabot ang nakararami

Sang- ayon din ang eskperto sa sinabing mga estratehiya ng DOH gaya ng pagbabahay-bahay at walk- in upang lalong maabot ang mga dapat makatanggap na ng booster dose.

Paalala lang din ng mga eksperto, pababa man ang COVID-19 cases sa bansa mag-doble ingat pa rin dahil umiiral pa ang pandemya.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: