Nasa mahigit 600-thousand drug pushers at users ang sumuko sa mga otoridad ilang buwan matapos maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ng pagpapangalan sa mga umano’y drug lord at illegal drug protectors sa pamahalaan, may ilang hinihinalang drug lord at LGU official na rin ang sumuko.
Kabilang na ang umano’y No. 2 drug lord sa Central Visayas na si Franz Sabalones.
Kamakailan lamang sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa na nabawasan ng 49 percent ang crime rate sa bansa na patunay lamang na drug-related ang marami sa mga krimen na nagaganap.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, patunay lamang ito ng matagumpay na kampanya ng administrasyon kontra illegal na droga.
Sa isyu naman ng pagtuligsa ng ilang sektor dahil sa dami ng namamatay, at umano’y nahuhuli ng walang due process, iginiit ni Andanar na sinusunod ng pamahalaan ang proseso sa pag aresto at pagtugis sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.
(Darlene Basingan/UNTV Radio)
Tags: illegal drug protectors