Pagsugpo sa korapsyon at illegal mining, pagtutulungan ng DENR at VACC

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 5804


Nais ni Sec. Roy Cimatu na maalis ang bansag sa Department of Environment and Natural Resources bilang isa sa pinaka-kurap na ahensya ng pamahalaan.

Kaya’t nakipagkasundo ito Volunteers Against Crime and Corruption sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement para labanan ang korapsyon sa ahensya.

Tutulong ang VACC sa pangangalap ng ebidensya laban sa mga opisyal ng DENR na sangkot sa katiwalian o krimen.

Isa sa kanilang iimbestigahan ay kung bakit tuloy pa rin ang iligal na pagmimina sa Camarines Norte.

Sa ngayon ay dumadaan pa sa review ng pamahalaan ang motion for reconsideration ng mga sinuspinde at pinasasarang minahan sa bansa noong nakaupo pa si dating DENR Sec. Gina Lopez.

Nangako ang kalihim na mananagot ang mga kumpanya ng minahan na hindi sumusunod sa tamang operasyon ng pagmimina.

Pinagaaralan na rin ngayon ng DENR ang sagot ng mga mining company kung bakit hindi dapat kanselahin ang 75 Mining Production Sharing Agreement o MPSA.

Ito ang mga lugar na binabalak pa lamang mag-umpisa ng pagmimina pero kinansela na ni Gina Lopez dahil umano naka pwesto ang mga ito sa mga watershed.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,