Ang hindi pagsasabi ng totoo ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay lalo umanong nagpapatunay sa kanyang mental problem, ayon kay impeachment committee chairman Reynalo Umali.
Nagbibigay din umano ito ng bigat sa mga impormasyong lumabas sa pagdinig ng komite na binabaliktad nga ni Sereno ang mga desisyon ng Supreme Court en banc.
Matatandaang isa sa mga grounds of impeachment laban sa chief justice ay ang bagsak niyang grado sa psychiatric at psychological evaluation.
Ayon kay Umali, kung pagbabatayan ang takbo ng mga pangyayari, tiyak na magkakaroon ng malaking problema sa loob ng Korte Suprema kung hindi matatanggal sa pwesto si Sereno.
Desidido si Umali na pagpaliwanagin sa komite ang mga tagapagsatila ni CJ Sereno hinggil sa mali-maling pahayag at pagsisinungaling nito sa media dahil pagpapakita umano ng kawalan ng pagkilala sa komite.
Paliwanag ni Atty. Jojo Lacanilao, ito ang kanilang sinabi dahil ito ang impormasyon hawak nila sa oras na iyon.
Sa ngayon ay tinatapos na ng legal team ng impeachment committee ang committe report at findings para sa isasagawang botohan sa March 8.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: CJ Sereno, Korte Suprema, Umali