Sa halip na September 23, sa October 1 na magpapasimula ang election period para sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan. Ito ang lumabas sa isinagawang En Banc session ng COMELEC kahapon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, layon ng hakbang na mabigyan ng mas mahabanng panahon ang mga kakandidato para makapaghanda.
Dahil sa adjustment sa election period mauurong naman sa October 5-11 ang filing ng Certificate of Candidacy at sa October 12-22 naman ang campaign period.
Sa October 1 na din magpapasimula ang implementasyon ng gun ban pero mananatiling sa September 21 magpapasimulang tumanggap ng aplikasyon ang poll body para sa gun ban exemption.
Nananawagan naman ang COMELEC Employees Union sa senado desisyunan na ang usapin ng pagpapaliban sa October 23 polls.
Pasado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang election postponement bill habang patuloy pang tinatalakay ito sa senado.
( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )
Tags: COMELEC, election period, October 1