Pagsisid kasama ng mga pating, alok ng Aquaria sa Malaysia

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 2520

Gusto mo bang harapin ang isa sa iyong greatest fear? Pwedeng-pwede mo yang gawin dito sa Aquaria sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sa pamamagitan ito ng kanilang offer sa lahat ng certified divers na face to face encounter with the sand tiger sharks.

Kaya naman sinamantala ng aking co-host ng UNTV’s Realty Diving Show na si Luis Heredia, ang pagkakataong ito. Bago ang actual dive ay nagkaroon muna ng briefing sa isang dive master tungkol sa do’s and don’t’s sa close encounter na ito.

Ayon sa aming dive master, nararamdaman ng mga pating kung ikaw ay kinakabahan, kaya naman payo niya ay relax lang at maging alerto.

Nakakatakot tingnan ang isang sand tiger shark o kilala rin bilang gray nurse shark, lalo na ang kanyang ngipin na tila nais kang nguyain.

Ngunit isa itong gentle creature huwag mo lamang guguluhin. Lumalaki sila ng hanggang sampung talampakan.

Mayroong halos apat na raang species ng mga pating, karamihan dito ay hindi naman mapanganib o mapaminsala sa tao, malibang sila’y iyong masaktan.

Bukod sa mga pating, iba’t-ibang isda rin ang maaring makita rito sa Aquaria, tulad ng giant grouper, surgeon fish at sting rays.

Ang mga pating ay may napakahalagang ginagampanan sa karagatan, dahil sila ang kumakain ng mga isdang mahihina o may sakit upang hindi mahawa ang karamihang mga isda.

Kaya sa mga naghahanap ng kanilang ultimate adrenaline rush, dumayo na dito sa Aquaria.

 

( Bryan Evangelista / UNTV Correspondent )

Tags: , ,