Pagsesemento ng mga pinalawak na kalsada sa Boracay, malapit nang simulan – DILG Usec. Densing

by Radyo La Verdad | July 13, 2018 (Friday) | 4080

Tiwala si Interior and Local Government Usec. Epimaco Densing na mabubuksang muli ang isla ng Boracay sa itinakdang pesta sa ika-26 ng Oktubre.

Marami na rin umanong improvement na makikita kumpara sa unang araw na isinara ang isla.

Sa ngayon ay malapit na umanong simulan ang pagsesemento ng mga kalsada doon. Patapos na rin aniya ang road widening at pagkukumpuni ng mga drainage system.

Pero kabaliktaran naman ang assesment ng ilang mga residente doon. Baku-baku pa rin anila ang mga kalsada na halos hindi madaanan ng mga motorista.

Sa ika-25 ng Hulyo magpupulong muli ang mga ahensyang kasama sa Boracay rehabilitation para i-asses ang ginagawang rehabilitasyon.

Kasama sa kanilang tatalakayin ay kung kailan maaari nang tumanggap ng booking sa Boracay ang mga travel agencies.

Ayon pa kay Densing, oras na buksang muli ang Boracay ay lilimitahan na ang mga turistang maaaring makapasok doon.

Pati ang pagtatayo ng mga gusali ay lilimitahan na rin.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,