Pagsasapinal sa list of voters at project of precincts tuloy na matapos i-dismiss ng SC ang petisyon sa ‘No Bio No Boto’

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1274

ANDRESS-BAUTISTA
Ikinatuwa ng Commission on Elections ang naging desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa ‘No Bio No Boto’ campaign ng poll body.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, dahil sa pagkaka dismiss sa petisyon at pagtanggal sa Temporary Restraining Order sa ‘No Bio No Boto’ maitutuloy na ng COMELEC ang pagsasapinal sa list of voters at project of precincts.

Ayon naman kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dahil sa dismissal sa reklamo hindi na kailangang baguhin ang project of precincts upang maisama ang mahigit sa 2.4 million voters na hindi dumaan sa biometrics validation.

Tags: , , ,