Pagsasapinal ng Code of Conduct sa West Phil. Sea, posibleng matagalan pa – DFA

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 4178


Ang pagkakaroon ng Code of Conduct ang nakikitang solusyon ng Asean Countries sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ngayong linggo, nakatakda nang i-endorso ang framework nito sa Asean Summit.

Ang framework ang magiging basehan sa pagbuo ng aktwal na Code of Conduct na pagkakasunduan ng China at iba pang Asean Countries

Subalit ayon sa Department of Foreign Affairs, posibleng hindi pa ito maisapinal kahit na nasa Pilipinas ang chairmanship ng Asean Summit ngayong taon.

Ngunit, kumpyansa naman ang DFA na mareresolba din ang mga isyu sa pagitan ng Asean countries lalo pa’t taon-taon naman silang nagpupulong para talakayin kung paano sila magkakaisa para sa ikauunlad ng bawat kasaping bansa.

Samantala, inaasahan ng DFA na tatalakayin din sa Asean Summit ang muling pag-launch ng missile ng North Korea

Magandang tiyempo umano ito dahil dadalo din sa summit ang minister ng North Korea

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,